Wag gagayahin ha mga anak.
Dear Anak,
Datnan ka nawa ng sulat na ito na nasa mabuting kalagayan.
Naipadala ko na yun 50 thousand pesos na tuition fee mo, ipinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong
COUNTER STRIKE? Wala na din nga pala tayong mga baboy, naibenta na din naming para dun sa sinasabi mong project nyo na NOKIA
N75, ang mahal naman ng project nayun anak? Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo
ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo ha, isasanla pala namin ang
palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-Pod na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba jan
sa boarding house mo san ba kamu yan. sa VICTORIA COURT? Maganda ba dyan di ba mainit jan? Anak kamusta na pala yung group
project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun?
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa
SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng Manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari
arian nating sa sanglaan. Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAKDONALD ka palagi kumakain, ok ba naman sayo
ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya
sa pag dri-drive hane.
Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT
mo.
Ang nagmamahal,
Itay at Inay
P.S. Anak mag aral kang mabuti at wag kakalimutan magdasal bago matulog
|